Chevron kinumpirma ang oil leak sa kanilang terminal sa Batangas

By Erwin Aguilon February 03, 2016 - 10:10 AM

Photo from cleanupoil.com
Photo from cleanupoil.com

Kinumpirma ng pamunuan ng kumpanyang Chevron na nagkaroon ng oil leak sa kanilang oil refinery sa bayan ng San Pascual sa Batangas.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo, isang Engr. Eric Tulero ng Chevron Philippines ang nagpaalam sa kanila hinggil sa oil spill.

Kaugnay nito, inatasan na ng PCG ang kanilang mga tauhan para tiyaking hindi na kakalat ang langis.

Sinabi ni Balilo na nagtungo na ang mga miyembro ng Marine Environment Protection Command ng Coast Guard sa San Pascual para gumawa ng aksyon.

Naglagay na rin ng oil spill boom ang Coast Guard upang matiyak na hindi na lalawak pa ang oil spill.

Una nang tiniyak ng Chevron na ‘contained’ o hindi na kakalat pa ang oil spill.

Maliban dito, kaunting langis na lang din umano ang natitira sa lugar kung saan nagana pang pagtagas ng langis.

TAGS: oil spill in san pascual batangas, oil spill in san pascual batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.