Magnitiude 4.2 na lindol tumama sa Sarangani, Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 31 kilometers southwest ng Sarangani alas 4:50 ng madaling araw.
34 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang instrumental intensity I sa General santos City at sa Malungon, Sarangani.
Samantala, alas 3:48 ng madaling araw nang maitalarin ng Phivolcs ang magnitude 3.2 na lindol sa Cortes, Surigao del Sur.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa 25 kilometer Southeast ng Cortes.
24 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic din ng origin.
Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.