outbrain

Biyahe mula UAE patungong Iran, lilimitahan dahil sa COVID-19

By Angellic Jordan February 25, 2020 - 04:55 PM

Lilimitahan ang mga biyahe mula United Arab Emirates (UAE) patungong Iran bunsod ng banta sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon sa Dubai International Airport, suspendido na ang lahat ng biyahe mula at papuntang Iran maliban lamang sa Tehran.

Sinabi pa nito na lahat ng pasahero na darating mula sa Tehran ay sasailalim sa thermal screening sa paliparan.

Antabayanan na lamang anila ang susunod na abiso kung kailangan aalisin ang suspensyon sa mga biyahe.

Matatandaang nagpatupad ng 48 oras na travel ban ang Bahrain mula at patungong Dubai at Sharjah bunsod pa rin ng nasabing sakit.

TAGS: COVID-19, Dubai International Airport, Iran, Tehran, COVID-19, Dubai International Airport, Iran, Tehran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.