Senado, handang imbestigahan ang napipintong pagsasara ng planta ng Honda sa Laguna

By Angellic Jordan February 25, 2020 - 08:39 PM

Joel Villanueva Facebook

Handa ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa pagsasara ng plant ng Honda sa Laguna.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Sen. Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, na “cause for concern” ang pagsasara ng tatlong dekada nang planta ng kumpanya sa bahagi ng Sta. Rosa.

Hinikayat din ng senador ang gobyerno na gumawa ng aksyon para tugunan ang mga pangangailangan ng nasa 700 empleyado na mawawalan ng trabaho bunsod nito.

Hinimok din ni Villanueva ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) para malaman kung anong uri ng training ang maaaring ibigay sa mga apektadong empleyado.

March 2020 ang unang target ng kumpanya sa pagsasara ng planta sa Laguna.

TAGS: pagsasara ng plant ng Honda sa Laguna, Sen. Joel Villanueva, Senado, pagsasara ng plant ng Honda sa Laguna, Sen. Joel Villanueva, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.