Shooting ng pelikulang “Mission: Impossible” sa Italy, naantala dahil sa COVID-19

By Angellic Jordan February 25, 2020 - 08:14 PM

Naantala ang shooting ng international film na “Mission: Impossible” sa Italy.

Bunsod ito ng banta sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa nasabing bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Paramount Pictures na kailangang matiyak ang kaligtasan ng mga artista at film crew
kasunod ng pagbabawal ng local Venetian government ng pagtitipon para makaiwas sa sakit.

Sinabi ng movie studio na aayusin nila ang kanilang production plan para sa tatlong linggo shoot sa Venice.

Papayagan aniya ang film crew na umuwi muna sa kani-kanilang tahanan sa kasagsagan ng delay habang tinututukan
ng sitwasyon sa nasabing bansa.

Hindi naman nabanggit ng Paramount Pictures kung kailangan sisimula ang movie shoot sa lugar.

TAGS: COVID-19, Mission Impossible, Paramount Pictures, COVID-19, Mission Impossible, Paramount Pictures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.