DOLE, nagbabala sa mga pekeng alok na trabaho sa Canada

By Angellic Jordan February 25, 2020 - 07:15 PM

Naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa mga nagkalat na alok ng trabaho sa Yukon, Canada.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, napag-alaman ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na ilang Filipino ang natutuksong tumanggap ng trabaho mula sa isang scammer.

Ginagamit umano ng scammer ang pangalan ng website ng totoong Yukon Human Resources practitioner.

Ayon pa sa mga otoridad, pinagbabayad nito ang mga Filipino ng US$440 kapalit ng pekeng trabaho.

Ani Bello, suriing mabuti kung totoo ang mga inaalok sa trabaho sa pamamagitan ng website ng Philippine
Overseas Employment Administration (POEA) na poea.gov.ph.

Agad ding aniyang i-report ang mga kahina-hinalang alok na trabaho sa [email protected].

TAGS: DOLE, pekeng trabaho sa Canada, Sec. Silvestre Bello III, DOLE, pekeng trabaho sa Canada, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.