Drainage Project sa Sampaloc, Maynila tinapos na ng DPWH

By Ricky Brozas February 25, 2020 - 05:58 PM

Mas maagang natapos kaysa sa itinakdang oras ang drainage improvement project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Director Ador Canlas, nailagay na ang bagong booster pump sa Estero de Calubcob sa Sampaloc na makatutulong upang mabawan ang madalas na pagbaha sa Maynila.

Pinasimulan noong June 2019 ang P65-million drainage improvement sa Estero de Calubcob.

Ito ang sasahod sa pagdaloy ng tubig-baha mula sa iba pang local drainage na konektado sa Washington hanggang sa Piy Margal Drainage Main sa Sampaloc.

Umaasa si DPWH Secretary Mark Villar na ang maagang pagkumpleto sa drainage project system ay may malaking maitutulong sa pagliligtas ng buhay at mga ari-arian sa tuwing may nagaganap na pagbaha.

Ang naturang proyekto ay orihinal na matatapos sa Mayo 2020 ngunit ilang buwan pa bago ang nasabing petsa ay nakumpleto na ito.

TAGS: Ador Canlas, DPWH, DPWH drainage improvement project, DPWH NCR, Estero de Calubcob, Maynila, Sampaloc, Ador Canlas, DPWH, DPWH drainage improvement project, DPWH NCR, Estero de Calubcob, Maynila, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.