Higit 50 na sinibak na empleyado ng GMA network, pinababalik sa trabaho ng CA

By Ricky Brozas February 25, 2020 - 05:51 PM

Ipinag-utos ng Court of Appeals o CA ang reinstatement o pagpapabalik sa trababo ng 51 empleyado ng GMA Network.

Sa kautusan ng CA 15th division na ibinaba noong Feb. 15, 2020, “partly granted” ang petition for certiorari ng mga petitioner na mga dating empleyado ng GMA Network.

Ang desisyon naman na may petsang May 31, 2017 at resolusyon na may petsang August 31, 2017 na inisyu ng National Labor Relations Commission o NLRC pabor sa GMA Network ay binaligtad at isinantabi na ng CA.

Nag-ugat ang kaso sa isinagawang protesta ng mga empleyado ng GMA Network na tinatawag na “TAG” sa harapan ng opisina ng TV network noong 2015.

Ang ibang mga empleyado ay terminated o sinibak sa trabaho habang ang iba ay hindi na na-renew ang kontrata bilang talents.

At dahil sa desisyon ng CA, ang 51 empleyado ay pinadedeklara nang regular employees na entitled o dapat makatanggap ng full backwages kasama ang allowance at iba pang mga benepisyo.

Sa ngayon ay walang pang inilalabas na pormal na pahayag ang GMA Network ukol sa desisyon ng Court of Appeals.

TAGS: CA 15th division, court of appeals, gma network, CA 15th division, court of appeals, gma network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.