Easterlies, umiiral sa Silangang bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Nakakaapekto ang Easterlies sa Silangang bahagi ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz na walang inaasahang malawakang pag-ulan kasunod ng umiiral na wind system.

Ngunit, posible aniyang tumaas ang temperatura dahilan kaya nakararanas ng mainit na panahon tuwing tanghali at hapon.

Magiging maaliwalas aniya ang panahon Metro Manila, nalalabing bahagi ng bansa dahil mababa ang tsansa na makaranas ng thunderstorm

Sinabi ni Dela Cruz na hindi pa rin inaalis ang posibleng isolated light rains sa Luzon at Mindanao.

Malaki naman aniya ang tsansa na makaranas ng thunderstorm sa bahagi ng Visayas.

Samantala, sinabi ni Dela Cruz na walang namomonitor na papasok o mabubuong weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...