Pilipinas magpapadala ng samples ng virgin coconut oil sa Singapore para sa COVID-19

Inihahanda na ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga sample ng virgin coconut oil sa National University of Singapore para sa karagdagang pag-aaral sa posibilidad na magamit bilang pangontra sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tinanggap na kasi ng Singapore na subukan ang VCO kontra COVID- 19.

Ayon kay Nograles, ipadadala ang samples ng VCO sa Singapore sa loob ng linggong ito.

Bukod dito, sinabi ni Nograles na isang academician mula sa isang kilalang unibersidad sa Pilipinas ang nagsasagawa na rin ng pag-aaral sa VCO.

“As to the efficacy of virgin coconut oil in combatting COVID 19, a leading proponent, an academician in one of our top universities is actually spearheading this initiative, and the National University of Singapore has accepted to test VCO against COVID-19. We are now preparing, sending samples of virgin coconut oil for testing within the week,” pahayag ni Nograles.

Read more...