Pag-aksyon sa House Joint Resolution No. 28, ipinauubaya na ni Majority Leader Romualdez sa Committee on Legislative Franchises
Ipinapaubaya na lang ni House Majority leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Committee on Legislative Franchises ang pag-aksyon sa House Joint Resolution (HJR) no.28 na naglalayong pahabain ang bisa ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.
Ayon kay Romualdez, nasa pagpapasya na ng chairman at mga miyembro ng nasabing komite ang desisyon sa HJR 28 kung ipa-prioritize ito sa hiwalay na 11 panukala para sa ABS CBN franchise extension na nakahain sa Kamara.
Paliwanag ni Romualdez, maaaring sumikip ang kalendaryo ng komite ni Palawan Rep. Franz Alvarez dahil dapat din nitong ikonsidera ang House Resolution 639 ni Albay Rep. Edcel Lagman noong Enero 6.
Samantala, may impormasyon ang majority leader na nagpulong na ang mga miyembro ng Committee on Legislative franchises at sinimulan nang ikonsidera ang ABS-CBN franchise bills.
Ang pahayag ni Romualdez ay bunsod sa inihaing House Joint Resolution (HJR) no. 28 na inihain ni Cebu Rep. Raul del Mar na nagpapalawig sa franchise ng ABS-CBN hanggang sa matapos ang 18th Congress sa June 30, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.