Dalawang eroplano para sa pag-repatriate ng mga Filipino sa cruise ship sa Japan, dumating na sa Haneda Airport

(UPDATE) Dumating na sa Haneda Airport ang unang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) para sa pag-repatriate ng mga Filipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan.

Sinabi ito ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay gamit ang kaniyang Twitter account.

Sunod na aniyang gagawin ang boarding sa tulong ng Japan Ground Self-Defense Forces (JGSDF).

Samantala, matapos ang tatlong oras at 44 minutong biyahe, sinabi ni Dulay, dumating na rin ang ikalawang PAL plane para sa repatriation ng mga Filipino sa cruise ship.

Mahigit 400 Filipino ang susunduin ng dalawang chartered flight sa nasabing cruise ship.

Read more...