Joint Resolution para palawigin ang bisa ng prangkisa ng ABS-CBN inihain sa Kamara
Inihain na sa Kamara ang House Joint Resolution No. 28 para palawigin ang validity ng franchise ng broadcast giant na ABS-CBN na mapapaso na sa March 30.
Sa ilalim ng joint resolution ni Cebu Rep. Raul del Mar, ie-extend ng Kongreso ang validity ng kasalukuyang franchise ng broadcast network hanggang June 30, 2022 o hanggang sa pagtatapos ng 18th Congress.
Sa ganitong paraan din ay matitiyak ang tuluy-tuloy na operasyon ng Lopez-led company habang dinidinig din ng Kongreso ang renewal ng franchise nito.
Nauna rito, araw ng Lunes (February 24), sinimulan ng House Committee on Legislatige Franchises ang proseso sa renewal ng franchise ng ABS-CBN kung saan bukas na sila sa pagtanggap ng mga position papers ng mga pro at anti sa ABS-CBN franchise renewal.
Ang paghahain ni del Mar ng joint resolution ay kasunod ng paghahain ni Senator Franklin Drilon ng panukala na nagbibigay sa Kamara ng sapat na panahon para talakayin ang ABS-CBN franchise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.