Mass-production ng mga face mask dapat pabilisan ng pamahalaan
Hinimok ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang gobyerno na pabilisan ang mass-production ng face masks.
Ayon kay Defensor, dapat ay magdevelop ang gobyerno ng kakayahan sa mabilis na produksyon ng masks kasunod ng banta ng pagkaubos nito dahil sa COVID-19.
Magiging praktikal din aniya kung may kakayahan ang pamahalaan at laging nakahanda para sa large production ng anti-viral device upang maprotektahan ang mga Pilipino hindi lamang sa COVID-19 kundi pati sa iba pang respiratory diseases na maaaring mangyari sa hinaharap.
Iginiit nito na hindi pwedeng mag-rely ang pamahalaan sa imported supplies sa ganitong global health emergencies.
Ang China aniya ay umorder na ng 1.2 Billion piraso ng face masks habang ang Thailand at iba pang bansa sa Asya ay nilimitahan na ang export sa masks para sa pansariling suplay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.