Manila LGU nakiisa sa selebrasyon ng EDSA People Power Revolution
Nakikiisa ang lungsod ng Maynila sa selebrasyon ng ika-tatlumpu’t apat na taong anibersaryo ng EDSA 1986 People Power Revolution.
Inalayan nila ng bulaklak ang bantayog dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa Padre Burgos sa Ermita, Maynila.
Bago ito ay nililinis ng mga tauhan ng National Park Development Commitee ang Ninoy and Cory Aquino monument, tinanggal ang mga damo at winalis ang paligid.
Sa isang pahayag, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nakikibahagi ang lungsod sa paggunita ng mapayapang higmagsikang nagpalaya sa ating bayan, bilang pagtukoy sa People Power Revolution.
Samantala, inaasahang may mga rally ang ilang mga militanteng grupo sa lungsod ng Maynila kaugnay sa okasyon ngayong araw.
Kabilang na rito sa bahagi ng Mendiola na malapit sa Malakanyang, maging sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, sa España at Quiapo sa Maynila.
Kaya naman may advanced deployment na ng mga pulis-Maynila upang magtiyak ng kapayapaan at kaayusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.