Agresibong ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas sa ADB ihinirit ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 25, 2020 - 01:27 PM

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Asian Development Bank (ADB) na magkaroon ng agresibong partisipasyon sa ‘Build Build Build program’ ng pamahalaan.

“We look forward to ADB’s enhanced support to our Build, Build, Build Program,” ayon sa pangulo.

Nakipagpulong kagabi si Pangulong Duterte kay ADB President Masatsugu Asakawa sa Palasyo ng Malakanyang.

Umaasa ang pangulo na patuloy na sususportahan ng ADB ang mga pang-imprastrakturang programa ng pamahalaan.

Pinasalamatan ng pangulo ang ADB dahil sa patuloy na pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan na malabanan ang kahirapan at pagbibigay ng magandang kwalidad na trabaho sa mga Filipino.

“I would like to express my appreciation to ADB for its unremitting assistance to the Philippines,” ayon sa pangulo.

Kasama sa pagpupulong kagabi sina Finance Secretary Sonny Dominguez, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, Senador Bong Go at iba pang opisyal ng ADB.

TAGS: ADB, Bild, enhanced support, Pangulong Duterte, Pilipinas at ADB, unremitting assistance to the Philippines, ADB, Bild, enhanced support, Pangulong Duterte, Pilipinas at ADB, unremitting assistance to the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.