Mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pinatutulungan sa SSS
Hinikayat ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel ang Social Security System na ayudahan ang mga manggagawa at empleyado na mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Inirekomenda ni Pimentel na magbigay ang SSS ng P20,000 dole out sa bawat displaced workers mula sa ibang bansa na apektado ng sakit.
Pinaglalatag din ang Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) ng emergency skills retooling at jobs plan para sa mga mawawalan ng hanapbuhay sa abroad.
Libu-libong mga Pilipino ang nahaharap sa retrenchment sa airlines, tour operators, hotels at resorts at iba.
Samantala, aabot naman sa 1.2 Million Chinese visitors ang mawawala sa bansa dahil sa travel ban sa COVID-19.
Nababahala ang mambabatas na bumagsak na lamang sa 500,000 na mga Chinese tourists ang makakabisita sa bansa depende sa itatagal na panganib ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.