CHR: Pagkakaisa noong EDSA People Power naging susi para mawakasan ang mga pang-aabuso noong panahon ng Batas Militar
ng Commission on Human Rights (CHR) ang sambayanan na alalahanin na ang pagkakaisa ng mga Filipino ang naging susi upang waksan ang diktaturya noong panahon ng Martial Law.
Pahayag ito ng CHR ngayong ginugunita ang ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon sa CHR, dahil sa pagkakaisa ay nawakasan ang mga pang-aabuso noong panahon ng Batas Militar.
Mahalaga ayon sa CHR na balikan at kuhanin ang mga aral noong EDSA People Power upang maging mulat sa kasaysayan ng bansa ang bawat isa at masigurong hindi na maulit ang mga paglabag sa karapatang pantao.
Payo ng CHR sa sambayanan muling tumndig para sa kalayaan at karapatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.