Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mas mainam na iwasan muna ang magtungo sa Daegu City at sa Cheongdo na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon sa South Korea bago magpasiyang bumiyahe doon.
Sinabi ni Duque na bukas ay muling magpupulong ang inter-agency task force para talakayin kung kailangan na bang isama ang South Korea sa pag-iral ng travel ban.
Mayroon nang 893 na kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong 60 kaso sa nakalipas na magdamag.