DFA Repatriation Team nasa Yokohama Port na; mga Pinoy ibababa na sa MV Diamond Princess
Sisimulan na ang pagpapababa sa mga Pinoy na sakay ng MV Diamond Princess sa Japan.
Nasa Yokohama Port na ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa TOkyo kasama ang mga tauhan mula sa Department of Health (DOH).
Ang DFA Repatriation Team ang mangunguna sa paglilikas ng mahigit 400 Pinoy mula cruise ship.
Mula sa Yokohama Port ay isasakay sila ng bus patungong Haneda Airport.
Sa Haneda Airportnay mayroong dalawang chartered flights na magsasakay sa kanila pauwi ng Pilipinas.
Inaasahang mamayang gabi darating ng Pilipinas ang mga inilikas na Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.