Lalaking miyembro ng gun for hire group patay sa pananambang sa Cebu City

Nasawi makaraang tambangan ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng gun for hire sa Cebu City.

Ayon kay Police Maj. Joemar Pomarejos ng Waterfront Police Station, tinambangan ng mga suspek si Jorjie de Gracia sa Brgy. San Roque.

Sakay ng bisikleta ang biktima nang siya ay tambangan ng riding in tandem.

Anim na basyo ng bala ng baril ang nakuha ng ga pulis sa crime site.

Tinitignan na ng mga pulis kung mayroong malapit na CCTV sa lugar na pinangyarihan ng pananambang.

Read more...