9 arestado sa anti-illegal drugs operation ng CIDG sa Maynila

From CIDG - NCR Feb 3 Raid 5
Photo from PNP CIDG

Siyam ang nearesto sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) sa Adriatico Street, Malate Manila.

Photo from PNP CIDG

Narecover sa isinagawang pagsalakay sa ilang bahay ang iba’t-ibang mga drug paraphernalia, baril at mga bala.

Bitbit ang tatlong search warrants na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Maruvic Balisi-Umali, pinasok ng mga tauhan ng CIDG-NCR ang ilang bahay sa Adriatico Street na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam na suspek.

Tatlo sa mga naaresto ang kinilala ng mga otoridad na sina Mirasol C. Miranda, Jimmy R. Cumpa at Brian P. Teope.

Umabot sa mahigit 100 sachets ng mga shabu ang nasabat sa nasabing pagsalakay na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

May nasabat ding baril, bala, at isang unit ng taxi na ipapa-verify sa Highway Patrol Group upang matukoy kung ito ba ay carnap.

Read more...