Pangulong Duterte: Political differences isantabi muna ngayong EDSA People Power Anniversary

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 09:19 AM

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na isantabi na muna ang political differences o magkakaibang paniniwala sa mundo ng pulitika.

Mensahe ito ng pangulo sa paggunita ng ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.

Ayon sa pangulo sa ganitong paraan, masisiguro ng bawat Filipino na maipagpatuloy ang legasiya at kahalagahan ng EDSA People Power Revolution sa mga susunod pang taon.

Nakikiisa ang pangulo sa mga bayani at daan-daang katao na naglakas loob na magsagawa ng mapapayapa at hindi marahas na pag-aaklas laban sa pamahalaan.

Umaasa ang pangulo na ipagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon na pangalagaan ang kabayanihan at kalayaan na ipinaglaban noon ng mga Filipino sa pamamagitan ng makasaysayang rebolusyon.

TAGS: 34th anniversary, EDSA People Power Revolution, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, President Duterte's message, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 34th anniversary, EDSA People Power Revolution, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, President Duterte's message, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.