45 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag
Nakapagtala ng 45 volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin, sa nasabing bilang dalawa ang naramdaman matapos maitala ang Intensity I sa Brgy. Bilibinwang, Agoncillo, Batangas alas 7:37 ng gabi at alas 7:51 ng gabi.
Nakapagtada din ng mahinang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na ang taas ay umabot sa 50 hanggang 100 meters.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano at patuloy ang paalala ng Phivolcs sa mga residente na maari pa ring magkaroon ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) na itinuturing na permanent danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.