Mga Pinoy na positibo sa COVID-19 sa MV Diamond Princess umabot na sa 80 – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 08:21 AM

Umakyat na sa 80 ang bilang ng mg Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 mula sa MV Diamond Princess

Kinumpirma ito ni Health Sec. Francisco Duque III sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ayon kay Duque mula sa 59 ay nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na positibo sa sakit dahilan para umabot na sa 80 ang bilang.

Pawang mild naman aniya ang sintomas ng mga Pinoy at patuloy na binabantayan ang kanilang kondisyon.

Samantala, nananatili sa dalawang Pinoy ang nakumpirmang may COVID-19 sa UAE.

Ang isa sa kanila na 38 anyos ay masusuing binabantayan sa ospital dahil sa hindi magandang kondisyon.

Mayroon namang tig-isang Pinoy na positibo sa sakit sa Hong Kong at Singapore.

Sa kabuuan mayroong 84 na Pinoy na positibo sa COVID-19 apat na mga bansa.

TAGS: 80 filipinos, COVID-19, diamond princess, filipino crews, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 80 filipinos, COVID-19, diamond princess, filipino crews, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.