6 na ospital sa bansa, inihahanda para sa kaso ng Zika
Inihahanda na ng Department of Health (DOH) ang anim na pampublikong ospital sa bansa na pagdadalhan sakaling magkaroon ng kaso ng Zika virus sa PIlipinas.
Kabilang sa mga ospital na itatalaga para sa Zika cases ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, Baguio General Hospital (BGH), Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu, Southern Phlippine Medical Center (SPMC) sa Davao, Lung Center of the Philippines sa Quezon City at San Lazaro Hospital sa Maynila.
Una nang sinabi ng DOH na sa ngayon, mayroon lamang 1,000 na testing kits para sa Zika virus ang Pilipinas at sa susunod na linggo ay may paparating pa na karagdagang 1,000.
Dahil limitado ang testing kits, sinabi ni Health Sec. Janette Garin na gagamitin lamang ang mga ito sa mga pasyenteng makikitaan talaga ng sintomas ng Zika lalo na kung ang nagpakita ng sintomas ay may history ng pagbiyahe sa mga bansang apektado ng sakit.
Ang sintomas ng virus ay ang pagkakaroon ng lagnat, rushes at pananakit ng mata na kahalintulad din ng ialng sintomas ng sakit na dengue.
Muli namang pinaalalahanan ni Garin ang publiko na panatilihing malinis ang paligid para hindi makapangitlog ang mga lamok na maaring pagmulan ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.