Aktbidad para sa EDSA People Power Anniversary simple lang; bilang ng dumalo mas kaunti dahil sa COVID-19 scare

Simpleng aktibidad lamang ang isasagawa ngayong araw para sa selebrasyon ng ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), inaasahan na din ang mas kaunting bilang ng mga makikilahok sa selebrasyon dahil sa pangamba sa COVID-19.

Simpleng flag-raising ceremony lamang ang inihanda sa EDSA People Power Monument.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ang EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipinaglaban.

Maaga namang ipinakalat ang mga tauhan ng NCRPO para magtiyak ng seguridad.

Kasama ding dumalo sa selebrasyon si NCRPO director, Police Major General Debold Sinas.

Read more...