188 na Indonesian Crew ng MV World Dream sasailalim sa quarantine sa isang isla na walang naninirahan

188 mamamayan ng Indonesia na nagtatrabaho bilang crew sa isang cruise ship ang isasailalim sa quarantine sa isang isolated na isla.

Nakatakdang ilikas ng pamahalaan ng Indonesia ang mga crew mula sa MV World Dream dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Human Development and Culture Ministry Office ng Indonesia, isasailalim sa repatriation ang mga crew ng barko base sa utos ni President Joko Widodo.

Patungo na sa Riau Islad ang naval hospital ship ng Indonesia para sunduin ang mga mamamayan nilang sakay ng barko.

Lahat ng Indonesian evacuees ay dadalhin sa Sebaru Island, na isang uninhabited island pero mayroon namang mga pasilidad.

Sinuspinde ng World Dream ang operasyon nito matapos dumaong sa Hong Kong.

Isinailalim ito sa quarantine sa Kai Tak Cruise terminal makaraang tatlong Chinese na sakay nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan ay 600 sakay na ng barko ang nagpositibo sa sakit kabilang ang 78 Indonesian crew members.

Read more...