2 Chinese arestado matapos manutok ng baril sa Pasay

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 07:17 AM

Dalawang Chinese national ang naaresto matapos tutukan ng baril ang isang security guard sa Pasay City.

Ayon kay Police Lt. Col. Deanry Francisco Acopa ng Pasay City Police, nangyari ang insidente sa bungad ng isang hotel sa Brgy. 81.

Sinita ng dalawang security guard na sina Carlitos Mesias at Loreto Muñez ang dalawang dayuhan dahil kahina-hinala ang kilos ng mga ito.

Nang lapitan ay nakuhanan nila ng baril at kutsilyo ang dalawa.

Pumalag pa ang mga dayuhan at tinutukan ng baril ang mga gwardya.

Kinilala ni Acopa ang mga suspek na sina Chen Long Xu at Liu Sheng Zhen.

Base sa rekord ng pulisya, mayroon nang mga dating reklamo laban sa mga suspek.

Ang dalawang dayuhan ay una nang inireklamo nang pangho-holdap sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Las Piñas.

Nasampahan na rin sila noon ng kasong theft pero nakalaya matapos magpiyansa.

TAGS: 2 chinese arrested, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 chinese arrested, Inquirer News, News in the Philippines, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.