Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

Bahagyang nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ngayong umaga ay nasa 202.23 meters ang water level sa Angat dam.

Nadagdagan ito ng bahagya kumpara sa 202.08 meters kahapon.

Samantala, wala namang pagbabago sa antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.06 meters habang bahagyang nadagdagan naman ng kaunti ang water level sa La Mesa dam na nasa 77.51 meters.

Pawang nabasawan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lang sa Ambuklao dam na bahagyang nadagdagan.

Read more...