Kaso ng COVID-19 sa Italy patuloy sa pagdami; bilang ng nasawi umakyat na sa pito

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 06:50 AM

Patuloy ang mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Italy.

Iniulat ng health ministry office ang pagkasawi ng isa pang pasyente dahilan para umakyat na sa 7 ang death toll sa Italy.

Apat sa mga bagong nasawi ay pawng mga lalaki na may edad 62, 80, 84 at 88 na mula sa Como, Milan, at Lombardy.

Umabot na sa 229 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa nasabing bansa sa loob lamang ng limang araw.

Ngayong araw inaasahang darating sa Italy ang joint mission ng World Health Organization (WHO) at European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

TAGS: COVID-19, European Centre for Disease Prevention and Control, Health, Inquirer News, italy, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Health Organization, COVID-19, European Centre for Disease Prevention and Control, Health, Inquirer News, italy, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Health Organization

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.