Dow Jones index bumagsak ng mahigit 1,000 points dahil sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 06:34 AM
Malaki ang ibinagsak ng stock market sa Amerika dahil sa COVID-19.
Bumagsak ng mahigit 1,000 points ang Dow Jones index na maituturing na “worst day” sa loob ng nakalipas na dalawang taon.
Ito pa lang ang ikatlong pagkakataon sa kasaysayan na nagsara ng mahigit 1,000 points na mas mababa ang stock market ng Amerika.
Ang pangamba ng mga investor sa paglaganap ng COVID-19 ang dahilan ng pagbagsak ng stock market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.