Ilegal na droga at rifle grenade nakumpiska sa sa bahay ng drug suspect sa Ilocos Norte

By Mary Rose Cabrales February 25, 2020 - 06:13 AM

Nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad laban sa isang drug suspek sa Laoag City, Ilocos Norte, umaga ng Lunes (February 24).

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng mga otoridad ang bahay ng target ng operasyon.

Nakumpiska sa bahay ng drug susoek ang 18 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P18,000 na nasa isang box na nakapatong sa plastic cabinet sa loob ng kwarto at isang rifle grenade.

Nagulat naman ang asawa ng target ng operasyon nang malaman na may laman ang box.

Ayon sa misis ng target, wala umano ang kanyang mister sa bahay at sinabing itinamin ang mga nakumpisla dahil hindi umano sa kanyang asawa ang mga nakuhang ilegal na droga at granada.

TAGS: Illegal Drugs, ilocos norte, Inquirer News, laoag city, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police operations, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Illegal Drugs, ilocos norte, Inquirer News, laoag city, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, police operations, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.