600 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Muntinlupa
Anim na raang pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang isang daang kabahayan sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Fire Officer 1 Demryl Retes ng Muntinlupa City Fire Department, nasugatan sa naturang sunog si Annielie Aninang sa kaliwang paa.
Nagsimula ang sunog ng alas 11:30 kagabi at naideklarang fire out alas 3:00 ng madaling araw at umabot ng task force bravo.
Ayon kay Retes, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Daniel Acubo.
Ang ilegal na electrical connection ang unang tinitingnang anggulo ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa ngayon ay pansamantalang nananatili sa covered court ang mga nasunugan.
Tinatayang aabot sa P3 milyong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.