30 sugatan nang araruhin ng kotse ang mga taong lumalahok sa prusisyon sa Germany

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 06:07 AM

Sugatan ang 30 katao ang mga bata makaraang rumagasa ang isang kotse sa nagaganap na carnival procession sa Germany.

Nangyari ang insidente sa bayan ng Volkmarsen.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang 29 anyos na suspek na mahaharap sa kasong attempted homicide.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, unang sinagasa ng driver ang mga barrier sa lugar at saka inararo ang mga taong dumadalo sa prusisyon.

Ilan sa mga nasugatan ay nagtamo ng matinding pinsala.

Nasa high alert ngayon ang mga otoridad sa German kasunod ng insidente ng pamamaril sa Hanau City noong Miyerkules na ikinasawi ng 10 katao.

TAGS: 30 injured, carnival procession, Germany, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Volkmarsen, 30 injured, carnival procession, Germany, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Volkmarsen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.