Limang lalaki na nasa drugs watchlist, arestado sa Navotas

Nadakip ang limang lalaki na kabilang sa drugs watchlist ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City.

Unang naaresto ng mga pulis ang apat na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Tangos North.

Nakumpiska sa apat ang mahigit P10,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Sa Brgy. North Bay Boulevard naman, nadakip ang isang construction worker matapos ding mahulihan ng ilegal na droga.

Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...