Apat pang bansa sa Middle East nakapagtala na ng kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 25, 2020 - 05:44 AM

Mayroon pang apat na bansa sa Gitnang Silangan ang nakapagtala na ng positibong kaso ng coronavirus diease (COVID-19).

May naitala na ring kaso ng sakit sa Bahrain, Iraq, Kuwait at Oman.

Sa Kuwait, mayroon nang limang positibong kaso ng sakit dahilan para huwag nang ituloy ang selebrasyon sa kanilang national day.

Sa Oman itinigil na nag biyahe mula at patungong Iran makaraang dalawang Omani na galing Iran ang positibo sa sakit.

Sa Bahrain, galing din sa Iran ang unang naitalang kaso. Tatlong paaralan doon ang pansamantalang isinara na.

Sa Iraq naman, isang estudyanteng Iranian national ang nagpositibo sa sakit.

Sa nakalipas na magdamag ay nadagdagan pa ng apat ang bilang ng nasawi sa Iran.

Dahil dito umakyat na sa 12 ang nasawi sa Iean dahil sa COVID-19 habang 61 ang naitalang kaso.

TAGS: Bahrain, COVID-19, Inquirer News, Iran, kuwait, Middle East, News in the Philippines, oman, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bahrain, COVID-19, Inquirer News, Iran, kuwait, Middle East, News in the Philippines, oman, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.