Amihan humina pa; silangang bahagi ng bansa apektado na ng easterlies

Easterlies na o mainit na hanging mula sa silangan ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, dahil sa easterlies, maaring makaranas ng maulap na papawirin na mayroong pag-ulan, pakulog at pagkidlat ang mararanasan sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral.

Magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning sa eastern section ng bansa at ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat.

Sa susunod na 3 hanggang 5 araw maaliwalas na panahon ang mararanasan sa bansa dahil wala namang inaasahang sama ng panahon.

Sa Huwebes at Biyernes ay inaasahang muling mararamdaman ang epekto ng Amihan bago tuluyang maranasan sa bansa ang dry season.

Read more...