Football league sa South Korea, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

Ipinagpaliban ang bagong football season sa South Korea bunsod ng banta sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng K-league na pansamantalang ipapagpaliban ang simula ng 2020 K-league season
hangga’t hindi ma-control ang pagkalat ng sakit sa nasabing bansa.

Napagdesisyunan anila sa emergency board meeting na prayoridad na masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga
residente at manlalaro.

Sa huling tala ng mga otoridad, aabot na sa 763 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Read more...