Ilang traffic adjusment, ipatutupad sa Balintawak Interchange para sa Skyway Stage 3 project
Magpapatupad ng lane closures at traffic adjustments sa Balintawak Interchange simula Lunes ng gabi, February 24.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na layon nitong bigyang-daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 project.
Ang 14.8-kilometer elevated tollway project ang magkokonekta sa Skyway/SLEX Buendia patungong NLEX Balintawak sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng gobyerno.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, binigyan na ang private contractors sa proyekto na simulan ang proyekto matapos sumunod sa ilang requirement tulad ng installation ng project signages, traffic advisories at warning
signs sa mga apektadong lugar.
Kasunod nito, pinayuhan ni Garcia ang mga motorista na maagang magplano sa mga lakad para hindi maabala.
“We suggest that motorists plan their trips accordingly because of the possible delays caused by the construction
works, especially on Wednesday and the succeeding days,” ayon kay Gamboa.
Simula 11:00 Lunes ng gabi, isasara ang isang lane sa EDSA Balintawak patungong North Luzon Expressway para sa pagtatayo ng vertical bridge support sa ilalim ng EDSA Bridge.
Maaari namang dumaan ang magagaan o maliliit na sasakyan patungong NLEX at Monumento sa Balintawak Interchange ramp saka magtungo sa Cubao at dumaan sa U-turn slot pagkatapos ng Cloverleaf Market going papuntang NLEX.
Dalawang lane naman sa ibabaw ng EDSA Bridge (patungong Cubao) ang isasara rin bunsod ng trapiko.
Sa mga magagaang sasakyan mula Monumento via EDSA bago umabot sa Balintawak, maaaring kumanan sa A. de Jesus St., kumaliwa sa C3 para makarating sa destinasyon.
Narito naman ang alternatibong ruta:
– Ang light vehicles patungong NLEX at Monumento ay maaaring dumaan sa Balintawak Interchange Ramp papuntang Cubao at saka dumaan sa U-turn slot pagkatapos ng Cloverleaf Market patungong NLEX.
– Sa mga manggagaling sa Novaliches at NLEX, maaring dumaan sa zipper lane at agad kumaliwa bago ang construction site patungo sa destinasyon.
– Sa mga motorista na papuntang Manila o Caloocan mula NLEX, maaring dumaan sa Balintawak Interchange Ramp patungong Monumento via EDSA saka kumaliwa sa A. De Jesus St., kumaliwa sa C3 patungo sa destinasyon.
Tatagal nang 20 araw ang konstruksyon sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.