Kuwait at Bahrain, nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

Naitala ang unang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Kuwait at Bahrain.

Sa inilabas na pahayag ng Kuwaiti health ministry, nagpositibo sa isinagawang pagsusuri ang tatlong nagmula sa Mashhad sa Iran.

Sinabi ng health ministry na ang mga kumpirmadong kaso ay isang lalaking Kuwaiti na may edad 53-anyos, 61-anyos na Saudi citizen at isang 21-anyos.

Patuloy naman anilang tinututukan ang tatlong pasyente.

Samantala, nakapagtala ng unang kaso ng COVID sa Bahrain.

Ayon sa healthy ministry sa Bahrain, lumabas sa isinagawang “immediate testing” na positibo sa sakit ang isang pasyente.

Inilipat na ang pasyente sa ospital sa nasabing bansa.

Read more...