ABS-CBN, masyadong mayabang; Sorry, dapat noon pa – Palasyo

By Chona Yu February 24, 2020 - 03:24 PM

Matagal nang dapat na humingi ng paumanhin ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi pag-eere ng kanyang campaign material noong 2016 presidential elections.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, masyadong mayabang ang ABS-CBN.

Batid naman aniya na may atraso ang naturang TV station subalit wala naman itong ginawa para itama ang kanilang pagkakamali.

“Dapat noon pa nila ginawa,”

Kung hindi pa aniya nag-alburuto si Pangulong Duterte ay hindi pa hihingi ng paumanhin ang ABS-CBN.

“Yun nga sinasabi ni Presidente. Alam niyo na na may atraso kayo. Ano bang… May ginawa ba kayo? Wala, Yun ang tinatawag niyang hubris. Masyado kayong mayabang,”

Sa Senate hearing, humingi ng paumanhin si ABS-CBN President Carlo Katigbak kung na-offend man si Pangulong Duterte sa hindi pagkaka-ere sa kanyang campaign material at iginiit na sumunod lamang sila sa rules and regulations.

Ayon kay Panelo, nasa pagpapasya na ni Pangulong Duterte kung tatanggapin o hindi ang sorry ng ABS-CBN.

“Na kay Presidente yun. Matagal nang nangyari yun. Kumbaga, kung hindi nag-alboroto sa ‘yo tsaka ka lang hihingi ng paumanhin. Na kay Presidente ‘yun. I don’t know how to respond to that. It’s a personal decision,”

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na hindi maikokonsiderang sub judice ang ginawang Senate hearing.

Ayon kay Panelo, ginagawa lamang ng Senado ang kanilang tungkulin na busisiin ang status ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa Marso.

TAGS: Sec. Salvador Panelo, Sorry ng ABS-CBN kay Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, Sorry ng ABS-CBN kay Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.