Col. Jesus Durante itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong commander ng PSG

Photo grab from PCOO’s Facebook live video
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Colonel Jesus Durante bilang bagong commander ng Presidential Security Group.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Papalitan ni Durante si Brigadier General Jose Eriel Niembra na itatalaga naman bilang Brigade Commander ng 701 Infantry Brigade ng Philippine Army.

Si Durante ay kasalukuyang commanding officer ng presidential escorts ni Pangulong Duterte.

Nagtapos si Durante ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1992.

Bukas nakatakdang gawin ang change of command ceremony sa PSG compound sa Malakanyang.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte si Niembra bilang PSG commander noong May 2018.

Read more...