Pag-iral ng number coding bukas suspendido ayon sa MMDA

Suspendido ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila bukas, February 25.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ito ay dahil deklaradong special non-working holiday ang February 25 para sa paggunita ng EDSA People Power Revolution Anniversary.

Dahil dito ang mga sasakyan na ang ending ng plate number ay 3 at 4 ay maaring makabiyahe bukas.

Nag-anunsyo na rin ang Makati Traffic na suspendido ang number coding sa Makati City bukas.

Read more...