Matataas na opisyal ng ABS-CBN humarap sa pagdinig sa Senado
Present sa pagdinig ng senado kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN ang matataas na opisyal ng network.
Humarap sa pagdinig ng Senate committee on public services sina ABS-CBN chairman Martin Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, at COO Ma. Socorro “Cory” Vidanes.
Present din sa pagdnig ang mga opisyal ng pamahalaan gaya ni Justice Secretary Menardo Guevarra, mga opisyal mula sa Securities and Exchange Commission, Bureau of Internal Revenue, Philippine Competition Commission, National Telecommunications Commission, at mga kinatawan mula sa iba pang organisasyon.
Maliban naman kay Senator Grace Poe, dumalo din ang iba pang kapwa niya senador na sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Manny Pacquiao, Nancy Binay, Francis Pangilinan, at Ronald “Bato” Dela Rosa.
Itinuloy ng senado ang pagdinig sa kabila ng pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na malalabag ang Saligang Batas kapag itinuloy ito ng senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.