PUI’s sa COVID-19 umabot na sa 609 ayon sa DOH
By Ricky Brozas February 24, 2020 - 11:33 AM
Umabot na sa 609 ang bilang ng mga naitalang patient under investigation ng Department of Health (DOH) dahil sa posibilidad ng coronavirus disease 2019.
Pero batay sa datos ng DOH, 474 na sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.
Habang umakyat naman sa 132 ang naka admit sa mga pagamutan.
Hindi naman na nadagdagan at nananatiling nasa 3 lang ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang dalawa rito gumaling na at ang isa naman ay namatay dahil sa severe pneumonia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.