Grupong sumusuporta kay Sen. Leila de Lima, muling nanawagan sa pamahalaan para sa kalayaan ng senadora

By Ricky Brozas February 24, 2020 - 11:16 AM

Muling nanawagan ang grupong sumusuporta kay Senator Leila De Lima na palayain na ang senadora lalo na’t hanggang ngayon ay wala pa din sapat na ebidensiya na ibinabato sa kaniya.

Sa naging press conference ng Committee for the Freedom of Leila De Lima, muling iginiit ng grupo partikular ang nakakabatang kapatid ng senadora na si Vicente De Lima na walang kasalanan si Sen. Leila at umaasa ang kanilang pamilya na itatama ng gobyerno ang kanilang pagkakamali.

Sinabi naman ni dating Commission on Human Rights chairperson Etta Rosales na biktima lamang si De Lima ng political attack ng kasalukuyang admisnitrasyon kung saan maging ang personal na takbo ng buhay nito ay pinakialaman at isinawalat sa publiko.

Ayon naman sa isa sa mga abogado ni De Lima na si Atty. Alex Padilla, hanggang sa ngayon ay wala pa din maiprisentang witness ang kabilang panig na siyang magdidiin sa senadora pero handa silang maghinatay hanggang buwan ng mayo para maipakita ng prosekusyon ang lahat ng 54 na witnesses laban sa senadora.

Kasama din sa nagbigay suporta kay Sen. De Lima si Dean Toby Lavina kung saan ngayong araw ang ikatlong taon pagkakakulong ng senadora sa mga kasong may kinalaman umano sa iligal na droga.

TAGS: Committee for the Freedom of Leila De Lima, Etta Rosales, Sen Leila De Lima, Committee for the Freedom of Leila De Lima, Etta Rosales, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.