Ikalawang kaso ng COVID-19 naitala sa Israel

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 09:53 AM

Kinumpirma ng Israel ang ikalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang pasyente ay pasahero ng MV Diamond Princess na isinailalim sa quarantine sa Japan.

Ayon sa health ministry office ng Israel, isinailalim na sa isolation ang pasyente.

Noong Biyernes ay inanunsyo ng Israel ang unang kaso ng COVID-19 na mula din sa MV Diamond Princess.

Bahagi sila ng 11 mamamayan ng Israel na inilikas sa Diamond Princess sa Japan matapos na mag-negatibo sa sakit base sa inisyal na pagsusuri.

Ang iba pang mga inilikas na pasahero ay isinailalim sa quarantine sa isang pagamutan sa Tel Aviv.

TAGS: COVID-19, diamond princess, Inquirer News, israel, Japan, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, quarantine, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, diamond princess, Inquirer News, israel, Japan, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, quarantine, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.