Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore nagpapagaling sa isang ospital

Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Singapore na mayroon nang isang Pinoy doon na nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ng embahada ang Pinoy ay nagpapagaling ngayon sa isolation room sa isang ospital sa Singapore.

Hindi naman ibinahagi ng Ministry of Health ang personal details ng Pinoy.

Pero tiniyak ng embahada na may ugnayan ito sa Ministry of Health ng Singapore kaugnay sa kalagayan ng Pinoy.

Handa rin ang embahada na magkaloob ng anumang consular assistance na kakailanganin ng pasyente.

Pinayuhan ng embahada ang lahat ng Pinoy sa Singapore na ipractice ang pagkakaroon ng proper hygiene at sumunod
sa abiso ng health authorities.

Read more...