Palasyo, susunod sa utos ng SC sa quo warranto sa ABS-CBN
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na tatalima ang kanilang hanay sa anumang ipag-uutos ng Korte Suprema.
Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa mga paglabag sa kontrata.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi pakikialamanan ng Palasyo ang trabaho ng sangay ng hudikatura.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na wala ring balak ang Palasyo na pakialaman ang Senate hearing, araw ng Lunes, ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Panelo, hindi imomonitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hearing dahil hindi siya interesedo.
Masyado aniyang busy at tambak ng trabaho para pagtuunan ng pansin ang panonood ng telebisyon at subaybayan ang Senate hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.